Maharlika

Ace of D' Rhyme

0 fans

Ace of D' Rhyme


4:12
105 
#5

 The easy, fast & fun way to learn how to sing: 30DaySinger.com

Tayo ay katulad ng ibon na malayang lumipad
Isang dugong bayani ang dumadaloy kahit saan man mapadpad
Iwagayway ang bandila, ating ipakita kung ano ang kaya nating gawin
Sabay nating awitin, taas noong sabihin Maharlika ka rin

Tayo ay dugong Maharlika yan ang isipin
Malayang gawin ang lahat ng ating mga naisin
Sabihin at ipadama sa isang awitin
Tulad ng ibon umaawit habang umiihip ang hangin
Pilitin natin abutin ating minimithi't pangarap
Wag matakot sa pagsubok sa landas na tinatahak
Ika'y tumawag sa may kapal kapag nababagabag
Pagkat siya lang ang liwanag upang tayo ay 'di matinag
Pagmasdan ang tanda at simbolo ng ating katatagan
Na nagsilbi sa higit isang daang taong nagdaan
Nagpakilala sa galing ng ating lahi
Sa mga bayaning nasawi sa pagtatanggol sa ating lipi
Makibahagi ka lagi at buong pusong itaas
Ang bandilang 'di kukupas ng mahal kong Pilipinas
Sumaludo, ipagbunyi ang ating tagumpay
Maghawak-hawak kamay awitin natin ng sabay ang musikang taglay

Tayo ay katulad ng ibon na malayang lumipad
Isang dugong bayani ang dumadaloy kahit saan man mapadpad
Iwagayway ang bandila, ating ipakita kung ano ang kaya nating gawin
Sabay nating awitin, taas noong sabihin Maharlika ka rin

Iba't-ibang kultura ang ating makikita
Iba't-ibang salita mula sa katutubong wika
Sari-saring pangyayari, istorya't kabanata
Sa ating bayan na ilang ulit na rin lumuha
Maraming buhay na ang inalay dito sa ating bansa
Dinilig ng dugo ang lupang tigang sa paglaya
Kaya sana tayo ay magkaisa
Ang pinaglaban nila bigyang saysay at halaga
Makinig ka, saan ka man magpunta sana ang baong dala
Tiwala sa sarili, hatid nito'y pag-asa
Kung madapa ka man ika'y muling bumangon
Wag sumuko o patalo, harapin ang mga hamon
Sa mundo na sa iyong kamay ang kapalaran mo
Guhit ng iyong palad nakasalalay sa iyo
Maging masikap at masipag para sa ating pag-unlad
Dahil kahit taong bilanggo ay may pangarap rin natutupad

Tayo ay katulad ng ibon na malayang lumipad
Isang dugong bayani ang dumadaloy kahit saan man mapadpad
Iwagayway ang bandila, ating ipakita kung ano ang kaya nating gawin
Sabay nating awitin, taas noong sabihin Maharlika ka rin

Kamusta na sa ating mga kababayan?
Nilisan ang tahanan para sa kinabukasan
Isang huwaran, may dignidad na hindi matatawaran
At kahit saang panig ng mundo ay hinahangaan
Ika'y dakila sa salita at gawa
Bulong mo lagi diyos may awa basta't meron tiyaga
'Di nawawala ang tiwala salungat man ang tadhana
Naniniwalang balang-araw ang ula'y kusang titila
Dinaraanan ng unos subalit 'di ka nabubuwal
Inaalay mo ng taos ang lahat para sa iyong minamahal
Kahit saan ka man patungo laging iniisip ang lahat ay kaya mong gawin
Matayog na hangarin imposibleng 'di mararating

Tayo ay katulad ng ibon na malayang lumipad
Isang dugong bayani ang dumadaloy kahit saan man mapadpad
Iwagayway ang bandila, ating ipakita kung ano ang kaya nating gawin
Sabay nating awitin, taas noong sabihin Maharlika ka rin
Tayo ay katulad ng ibon na malayang lumipad
Isang dugong bayani ang dumadaloy kahit saan man mapadpad
Iwagayway ang bandila, ating ipakita kung ano ang kaya nating gawin
Sabay nating awitin, taas noong sabihin Maharlika ka rin

 Struggling with Maharlika? Become a better singer in 30 days with these videos!

Written by: Mark Ace Pugay

Lyrics © DistroKid

Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Discuss the Maharlika Lyrics with the community:

0 Comments

    Citation

    Use the citation below to add these lyrics to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "Maharlika Lyrics." Lyrics.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 4 May 2024. <https://www.lyrics.com/lyric-lf/5183215/Ace+of+D%27+Rhyme/Maharlika>.

    Missing lyrics by Ace of D' Rhyme?

    Know any other songs by Ace of D' Rhyme? Don't keep it to yourself!

    Browse Lyrics.com

    Quiz

    Are you a music master?

    »
    Who sing the Hip-Hop hit song "Ye"?
    A Burna Boy
    B Davido
    C Falz
    D Rema

    Free, no signup required:

    Add to Chrome

    Get instant explanation for any lyrics that hits you anywhere on the web!

    Free, no signup required:

    Add to Firefox

    Get instant explanation for any acronym or abbreviation that hits you anywhere on the web!

    Ace of D' Rhyme tracks

    On Radio Right Now

    Loading...

    Powered by OnRad.io


    Think you know music? Test your MusicIQ here!