HAHAHAHAHAHAHAHA

Kyle Anunciacion

0 fans

Kyle Anunciacion


5:11
12 

 The easy, fast & fun way to learn how to sing: 30DaySinger.com

Nagpupuyos sa 'king diwa
Ang bawat tugma at ang mga hiwa
May pagpiglas, yumayamungmong
Ang mga latay ng tanong
Nakukuyumos sa 'king palad
Ang bawat ampiyas ng ulambon
Saka lang naulinigan
Ang kakarampot ng tugon

Nagnanaknak ang gutom
At kaluluwa'y ngumangawa
Sa pagtuklas at pananaludtod
Mga dila'y kinakapon
Napasaiyo ang sa akin
Napasadlak pa sa kumunoy
Wala ba sa hinagap?
'Pag sumusobra'y nalalason

Kahindik
Hindi na kaya pang tiisin
Magpakalunod na lang sa dalangin
Kamuntik
Munti lamang ang hiling
Malupig man
Handang maningil

'Di na tumatawa (HAHAHAHAHAHAHAHA)
Ubod ka nang daya (Oh malala na palala)
Tangay mo ang ginhawa (Oh para mo nang awa)
Ewan ko na nga ba
Respeto man lang sana
Tingnan mo may balak (Oh baka mapahamak)
Ewan ko na nga ba

'Di na tumatawa (HAHAHAHAHAHAHAHA)

Ah basta, antigong pilok
Gula-gulanit na ang liwanag
Na sumilay mula sa langit
Ba't kaya nagkagano'n?
Sigwa man ang daluyong
Sumalubong sa mga balikat
Tiyak iigkas ang mga bulong
Ipu-ipong babangon
Maliligalig 'tong katagang
Namihasa sa biro't tiwala
Pumarito ka't 'wag nang mangamba
Sa kapritso ng pang-uuto
Kaytagal nanahimik
Ngunit nakamasid at nababahala
Kung bukas-bukas tinig natin
Ay aabot sa bawat pulo

Kahindik
Hindi na kaya pang tiisin
Magpakalunod na lang sa dalangin
Kamuntik
Munti lamang ang hiling
Malupig man
Handang maningil

'Di na tumatawa (HAHAHAHAHAHAHAHA)
Ubod ka nang daya (Oh malala na palala)
Tangay mo ang ginhawa (Oh para mo nang awa)
Ewan ko na nga ba
Respeto man lang sana
Tingnan mo may balak (Oh baka mapahamak)
Ewan ko na nga ba

'Di na tumatawa (HAHAHAHAHAHAHAHA)

HAHAHAHAHAHAHAHA

'Di na tumatawa (HAHAHAHAHAHAHAHA)
Ubod ka nang daya (Oh malala na palala)
Tangay mo ang ginhawa (Oh para mo nang awa)
Ewan ko na nga ba
Respeto man lang sana
Tingnan mo may balak (Oh baka mapahamak)
Ewan ko na nga ba

'Di na tumatawa (HAHAHAHAHAHAHAHA)

 Watch: New Singing Lesson Videos Can Make Anyone A Great Singer

Written by: Kyle Anunciacion

Lyrics © DistroKid

Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Discuss the HAHAHAHAHAHAHAHA Lyrics with the community:

0 Comments

    Citation

    Use the citation below to add these lyrics to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "HAHAHAHAHAHAHAHA Lyrics." Lyrics.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 6 May 2024. <https://www.lyrics.com/lyric-lf/6174648/Kyle+Anunciacion/HAHAHAHAHAHAHAHA>.

    Missing lyrics by Kyle Anunciacion?

    Know any other songs by Kyle Anunciacion? Don't keep it to yourself!

    Watch the song video

    HAHAHAHAHAHAHAHA

    1,237
    143     0

    Browse Lyrics.com

    Quiz

    Are you a music master?

    »
    T Rex was led by which singer?
    A Gary Glitter
    B Marc Bolan
    C Ian Hunter
    D David Johansen

    Free, no signup required:

    Add to Chrome

    Get instant explanation for any lyrics that hits you anywhere on the web!

    Free, no signup required:

    Add to Firefox

    Get instant explanation for any acronym or abbreviation that hits you anywhere on the web!

    Kyle Anunciacion tracks

    On Radio Right Now

    Loading...

    Powered by OnRad.io


    Think you know music? Test your MusicIQ here!